Fish kill sa Taal Lake, walang kinalaman sa pagsipa ng presyo ng Tilapia sa mga pamilihan

Nilinaw ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na hindi dapat isisi sa nangyaring fish kill sa Taal Lake ang pagsipa ng presyo ng mga Tilapia sa mga pamilihan.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni BFAR Director Eduardo Gongona na hindi lamang sa Taal Lake nagmumula ang supply ng tilapia kundi kasama na rin ang Laguna de Bay at nasa iba pang rehiyon.

Paliwanag pa ni Gongona, ang mga ito ang nagsisilbing taga-salo para magdala ng supply sa metro manila.


Kaugnay niyan, nakahanda naman aniya ang BFAR na magbigay ng tulong sa mga apektadong mangingisda sa Batangas lalo na’t nasa 109 metriko tonelada ng mga isda sa Taal Lake ang namatay o katumbas ng halos siyam na milyong piso.

Facebook Comments