Hatid ang Fish on Wheels ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa mga residente ng San Nicolas na nilahukan ng lokal na pamahalaan ng Bayan kasama ang Municipal Agriculture Office (MAO) at ilang kawani ng BFAR.
Mayroong naibentang 364 kilo ng bangus na naibenta sa 84 na mamimili na kung saan 4 dito at mga wholesale na bumili ng ‘banyeras’ at ang iba ay retailer.
Ang bawat kilo ng bangus ay nagkakahalaga ng 140 pesos habang para sa mga wholesaler, ang bawat banyera na katumbas ng 25 kilos ay nagkakahalaga ng 3,300 pesos na may libreng isang kilo.
Nakapagbenta naman ang mga BFAR officials ng bangus na umabot sa halagang Php46,200.
Katuwang ang KADIWA, KAtuwang sa DIwa at gaWA para sa masaganang Ani at mataas na Kita na naglalayong magbigay ng direktang ugnayan sa pagitan ng mga magsasaka/mangingisda ng isda at mga mamimili at nagdadala ng sariwa at abot-kayang produktong pangisdaan sa mga komunidad. |ifmnews
Facebook Comments