Fish ports at cold storage facilities sa bansa, padadagdagan ni PBBM para sektor ng pangingisda

Bukod sa mga magsasaka, pinagtibay rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang suporta para sa mga mangingisda para mabuhay pa ang industriya ng pangingisda.

Sa kaniyang pagbisita sa General Santos Fish Port Complex, tiniyak ng pangulo na magtatayo pa ang pamahalaan ng mga fish at agricultural port gayundin at pagdaragdag ng cold storage at ice plant sa bansa.

Makakatulong aniya ang mga dagdag na fish port para mabawasan ang transport cost ng mga mangingisda at magsasaka.

Habang ang mga cold storage facilities naman aniya ang magtitiyak na mananatiling sariwa at maganda ang kalidad ng mga huling isda.

Ang mga ice plant naman aniya ay makatutulong para sa mabilis na access sa yelo na kailangan ng mga maliliit na bagsakan ng isda.

Facebook Comments