Ilang Binmalenian ang sumailalim sa pagsasanay sa Fish Processing na sumentro sa paggawa ng tuyo, daing at dilis bilang pangkabuhayan.
Itinuro sa programa ang proseso sa paggawa ng asin, maging ang pagpapatuyo at pag-iingat sa sariwang isda.
Sa naturang aktibidad, nabigyan ng pagkakataon ang mga kalahok na personal na masubukang makagawa ng tuyo, daing at dilis bago binigyan ng pagkakataon na makapagtanong.
Layunin na magbukas pa ng oportunidad ang aktibidad bilang pandagdag kaalaman at pangkabuhayan na tutugon din sa food security. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









