Fish vendor na nagsideline magtulak ng droga timbog ng PP1

Timbog ang isang fish vendor sa isinagawang drug buy bust operation ng City Drug Enforcement team ng PP1 kahapon ng tanghali sa Bonifacio street Cot.City. Kinilala ang naaresto nasi Hashim Nadal Abas residente ng Manday mother barangay Bagua,Nakuha sa kanyang posisyon ang dalawang sachet ng shabu. Ayon kay PP1 station commander PCI Reynaldo Delanten na matagal na nilang sinubaybayan ang kilos ng suspect dahil itoy ginagawang runner ng mga drug pusher sa Manday, kayat ikinasa ang buy bust na kinagat ng suspect na tinanggap ang 300 pesos na pera ng agent ng pulisya at iniabot ang dalawang sachet ng shabu at dito na hinuli si Abas. Siyay nakapiit na at nahaharap sa kasong paglabag sa RA-9165.

Facebook Comments