Timbog ang isang fishball vendor makaraang akusahan ng pangha-harass sa anak at manugang ni Supreme Court Justice Lucas Bersamin.
Kinilala ang suspek na si Conrado Bingco, 38-anyos.
Sa ulat, kinompronta ni Lucas Bersamin Jr. Ang tindero matapos umano nitong sigawan ang kanyang asawa habang naglalakad sa bahagi ng malugay street,barangay bel-air, makati city.
Sa kalagitnaan ng pagtatalo, napansin ni Bersamin na tila may binubunot ito sa kanyang baywang.
Sa takot, humingi ng tulong ang mga biktima sa pulisya.
Nakakulong na sa makati city police station si Bingco at sinampahan na rin siya ng kasong unjust vexation and threat.
Facebook Comments