Aabot sa halos 355,000 na mga rehistradong mangingisda ang inaasahang makikinabang sa Philippine Fisheries and Coastal Resiliency o FishCoRe project ng Marcos administration.
Layunin ng FishCoRe Project na masolusyunan ang mga problema sa sektor ng pangingisda, kabilang ang pagpapababa sa antas ng kahirapan at pagtiyak ng food security.
Sinusuportahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang proyekto dahil nakikinabang dito ang pinakamahihirap na mga mangingisda sa 24 lalawigan sa buong bansa.
Maliban sa mahigit 26,000 na mga trabaho na lilikhain ng proyekto, inaasahang magpapataas din ito ng aquaculture production at mas maraming supply ng isda.
Una rito ay inaprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang P11.2 billion FishCoRe project.
Sa kabuuang halaga, P9.6 billion ay manggagaling sa official development assistance (ODA) ng World Bank, P660.6 million ay sasagutin ng gobyerno sa pamamagitan ng BFAR, at ang natitirang P1.16 billion ay magmumula sa pribadong sektor.