FISHERIES SCHOLARSHIP PROGRAM BUKAS NA PARA SA MGA INTERESADONG MAG-AARAL

LINGAYEN, PANGASINAN – Nagsimula na ang Nationwide Recruitment Examination ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR Region 1 para sa kanilang Fisheries Scholarship Program o FSP.

Kaugnay nito, hinihikayat ng Lokal na Pamahalaan sa bayan ng Lingayen ang mga kabataan sa bayan na mag-apply para sa nasabing scholarship program.

Ayon sa LGU, magandang pagkakataon ito upang makapag-aral ang mga estudyanteng nais kumuha ng apat na taong kurso sa fishery. Layon din aniya ng nasabing programa na mahikayat ang mga mag-aaral na pumasok sa larangan ng industriyang pangisdaan na kalaunan ay makatutulong din maging sa bayan bilang isang coastal municipality.


Para sa mga kwalipikadong aplikante, maaaring magsumite ng application form sa Municipal Agriculture Office MAO-Lingayen o di kaya’y sa tanggapan mismo ng BFAR Regional Field Office 1 kalakip ang mga documentary requirements na kinakailangan.

Para naman sa karagdagang impormasyon at katanungan, maaaring bisitahin ang official website page ng BFAR Regional Office 1 o region1@bfar.da.gov.ph.

Facebook Comments