FISHERY REHABILITATION PROJECT SA BAYAMBANG, PATULOY

Patuloy ang fishery rehabilitation project ng Agriculture Office gamit ang pagpapaigting ng mga design activity sa mga dati ng fishpond pati tributary creek sa ilang mga Barangay sa bayan ng Bayambang.
Isinasagawa rin ang paghahanda sa mga dredging machine accessories para sa nakatakdang namang dredging ng Langiran Lake.
Ang mga tilapia fry ay inumpisahan na rin na iharvest sa mga fish cages sa Langiran Lake para sa fingerling production.

Samantala, kasalukuyan rin ang fabrication ng sampung units ng G.I pipes na siya namang para sa nakatakdang ideploy na mga fish cages sa tatlong fishing Barangays sa bayan. |ifmnews
Facebook Comments