Fishing ban sa ilang bahagi ng karagatan ng Pilipinas inanunsyo ni PBBM

Mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang nagpahayag ng plano ng gobyerno na magpatupad ng fishing ban sa ilang lugar sa bansa.

Sa isang panayam sa Zamboanga City, sinabi ng pangulo na isang paraan ito para maresolba ang problema sa overfishing o sobra-sobrang pangingisda.

Paliwanag ng pangulo, may mga parte ng karagatan na hindi dapat gawing palaisdaan dahil ito ay nagsisilbing itlugan ng isda o breeding grounds kung saan sila nagpaparami.


Importante ito ayon sa presidente para hindi maubusan ng isda ang bansa at manatiling sapat ang suplay sa mga susunod napanahon.

Dagdag pa ng pangulo, hindi lamang suplay ng bigas at mais ang dapat na matiyak ng pamahalaan gayundin mapabuti ang fishery at livestock sectors.

Sinabi ng pangulo, bumababa ang antas ng nahuhuling isda, dahil nasira na ang mga bahagi ng karagatan kung saan pinalalaki ang mga isda, kaya importante maprotektahan aniya ito para magpatuloy lamang ang pagpaparami sa mga isda.

Facebook Comments