Patuloy na isinasagawa ng City Government ng San Fernando, La Union ang Fishing Boat Registration ngayong Enero bilang hakbang kontra illegal fishing sa lungsod.
Bukod sa pagpaparehistro ng bangkang pangisda, maaari rin mag renew ng lisensya ang mangingisda at makiisa sa libreng fishing boat insurance.
Ayon kay Nickson Patrick Tomines, ang Fishery Coordinator ng lungsod, layunin na mapaangat pa ang kaalaman ng mga mangingisda sa batas upang matulungan ang mga ito na maiwasan illegal na aktibidad sa baybayin.
Naniniwala ang lokal na pamahalaan na mapapangalagaan din ang marine biodiversity at fishery resources sa lungsod sa pamamagitan ng programa. Tatagal ang pagpaparehistro sa katapusan ng buwan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments