Fishing boats ibinigay sa 22 Pinoy na sakay ng binanggang FB Gem-Vir 1

578
Image via PTV-4

Pinamahagi ng Department of Agriculture (DA) ngayong araw ang 11 fishing motorboats sa 22 mangingisdang Pinoy na biktima ng ‘Recto Bank collision’ nitong Hunyo 9.

Tumanggap din sila ng isang sako ng bigas, iba’t-ibang gamit sa pangingisda, tulong pinansyal, at grocery items.

Samantala, naganap rin ang pagpupulong sa bayan ng San Jose, Occidental Mindoro ni Agriculture Secretary Manny Piñol at ang mga taong sakay ng FB Gem-Vir 1 para hingin ang kanilang panig ukol sa insidente.


Inatasan ni Duterte si Piñol na pangunahan ang imbestigasyon ng ginawang pagbangga ng isang Chinese fishing vessel sa bangkang pangisda ng mga Pilipino.

Facebook Comments