FISHING GEARS, MULING IPINAMAHAGI SA MGA MANGINGISDA SA CAGAYAN

Cauayan City – Muling namahagi ng mga fishing gears ang Pamahalaang Panlalawigan ng Cagayan sa mga mangingisdang naapektuhan ng mga nagdaang sakuna.

Pinangunahan ni Cagayan 1st Lady Atty. Mabel Villarica-Mamba, kasama si 1st District Board Member Atty. Romero Garcia at ilan pang mga opisyal ang pamamahagi ng fishing gears sa 173 na mga mangingisda sa bayan ng Sta. Teresita, Cagayan.

Samantala, 522 na mga mangingisda na mula sa Buguey, Cagayan ang nakatanggap rin ng fishing gears kung saan dumalo naman sa distribusyon ang mga kawani ng Provincial Agriculturist at mga opisyal sa kanilang bayan.


Ang mga fishing gears na ipinahagi ay nagmula sa donasyon ni Pangulong Bongbong Marcos kung saan 15 Milyong Piso ang inilaang pondo para rito.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang repacking ng iba pang fishing gear sets na nakatakda namang ipamahagi sa iba pang bayan sa lalawigan ng Cagayan.

Facebook Comments