Fishing vessel na may dalang smuggled na sigarilyo, naharang sa Davao Occidental

Nahuli ng Naval Forces Eastern Mindanao ang isang fishing vessel na may dalang smuggled na sigarilyo sa Balut Island, Sarangani, Davao Occidental.

Ayon kay Commodore Carlos Sabarre, Commander ng Naval Forces Eastern Mindanao nagsasagawa ng territorial defense operations ang isa sa mga barko ng Philippine Navy na BRP Artemio Ricarte nang namataan ang M/B Princess Sarah.

Ayon kay Sabarre, umiiwas ang fishing vessel at hindi tumutugon sa radio communication kaya hinarang ito ng mga tropa ng pamahalaan.


Narekober sa fishing vessel ang tinatayang 600 master cases ng mga ipinagbabawal na sigarilyo.

Natuklasan din na kasama sa siyam na crew nito ang isang menor de edad.

Samantala, hinila ang fishing vessel pabalik sa Naval Station Felix Apolinario kasama ang mga tripulante nito para sa karagdagang inspeksyon at tamang disposisyon.

Facebook Comments