Fissures o mga bitak sa lupa sa paligid ng bulkang Taal, lumawak pa!

 

Patuloy pa rin ang mga ipinapakitang aktibidad ng bulkang taal.

 

Sa nakalipas na 24 na oras, ay patuloy ang steam emission at mas madalang na mahihinang pagsabog ng bulkan.

 

Ayon sa Taal volcano bulletin na inilabas ng Phivolcs alas 8:00 ng umaga. Nagbuga ang bulkan ng kulay dark gray na ash plumes na ang taas ay 100 hanggang 800 meters.


 

Sinabi ng Phivolcs na sa nakalipas na magdamag, nakapagtala ng 65 volcanic earthquakes at dalawa dito ay nakapagtala ng intensity I.

 

Simula naman noong January 12, 2020 ay umabot na sa 634 ang kabuuang bilang ng naitalang volcanic earthquake, 174 dito ay naramdaman at umabot sa hanggang magnitude 4.1 ang lakas.

 

Samantala, ang fissures o mga bitak sa lupa na unang nakita sa ilang barangay sa Lemery, Agoncillo, Talisay, at San Nicolas sa Batangas ay naobserbahan na lumawak pa.

 

Ayon sa Phivolcs, nananatili ang banta hazardous explosive eruption ng bulkang Taal sa susunod na mga oras o araw.

Facebook Comments