FIST Bill, nilagdaan na ni Pangulong Duterte

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang ganap na batas ang panukalang magbibigay sa financial institutions na i-offload nag kanilang loans, para mapanatiling matatag ang banking system sa bansa.

Ang Financial Institutions Strategic Transfer Bill o FIST Bill ay pinirmahan na ni Pangulong Duterte kahapon, Feb. 16.

Ito ang kinumpirma ni Finance Secretary Carlos Dominguez III.


Ayon kay Dominguez, layunin ng batas na palawigin ang credit sa mga negosyo na nangangailangan ng tulong para makabangon mula sa epekto ng pandemya.

Sa taya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), inaasahang magkakaroon ng foregone revenues mula ₱2.9 billion hanggang ₱11.6 billion sa susunod na limang taon dahil sa FIST bill.

Una nang sinabi ng Finance Department na pinapahintulutan ang mga bangko sa ilalim ng batas na i-dispose ang kanilang non-performing loans at assets sa pamamagitan ng asset management companies.

Facebook Comments