Ipinrisinta ngayong araw ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos ang findings ng 5-man advisory group na nagrerekomenda kay Pangulong Bongbong Marcos (PBBM) na tanggapin ang resignation ng dalawang heneral at dalawang colonels na umanoy sangkot sa illegal drug activities.
Bagama’t hindi pinangalanan ni Abalos ang apat, kinumpirma naman ng National Police Commission (NAPOLCOM) na ang apat na police officers ay mga dating miyembro ng Philippine National Police Drug Enforcement Group (PNP-DEG).
Sa ngayon, inaantay na lang ng NAPOLCOM kung tatangapin ng Malacañang ang resignation ng apat.
Tiniyak ni Abalos na kahit tanggapin ang resignation ng apat, tuloy-tuloy pa rin ang pagsasampa ng kaso laban sa mga ito.
Ani Abalos, magsasampa sila ng administrative cases laban sa mga opisyal para ma-forfeit ang kanilang mga benipisyo sa gobyerno.
Ayon pa sa kalihim, papangalanan din ang apat sa sandaling maisampa na sa korte ang mga kaso sa kanila.