Five-year validity ng driver’s license – lusot na sa bicameral conference committee

Manila, Philippines – Aprubado na ng bicameral conference committee ang panukalang pagpapalawig ng driver’s license validity.

Sa ilalim ng panukala, ie-extend ang validity ng professional at on-professional driver’s license hanggang limang taon mula sa kasalukuyang tatlong taon.

Ayon kay senador Grace Poe, chairperson ng public services committee — ihahabol nila ngayong huling araw ng sesyon ang pagratipika ng dalawang kapulungan ng kongreso para sa pinag-isang bersyon ng panukala na isusumite naman sa tanggapan ng pangulo.


Paliwanag ng senadora, bukod sa mapapagaan nito ang gastos ng mga pilipino sa madalas na pagpapa-renew ng lisensya ay maiiwasan din nito ang korapsyon sa ahensya.

Ang kagandahan pa rito, ang sinumang driver na walang nagawang violation sa loob ng limang taon ay pagkakalooban ng lisensya na may 10-year validity.

Dagdag pa ni Poe, bagama’y nag-isyu na ang pangulo ng administrative order 2016-34 na naglalayong palawigin nga ang driver’s license… aniya, mahalaga pa ring maisabatas ang panukala para maging matibay ang nasabing kautusan ng pangulo.

Umaasa naman ang mambatatas na kaagad itong lalagdaan ni Pangulong Duterte para maging ganap na batas.
DZXL558

Facebook Comments