Fixed term ng chief of staff, daan para maging merit-based at karapat-dapat ang promosyon at pagpili ng mamumuno sa AFP

Ang bagong batas na nagtatakda ng “fixed terms” na tatlong taon para sa Chief of Staff at ibang matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ay isa sa mga legacy ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson sa ating military at defense establishment.

Bilang chairman ng Senate Committee on National Defense and Security ay isinulong ito ni Lacson upang mahinto na ang revolving-door policy sa AFP o ang napakaikling termino ng mga namumuno rito.

Tiwala si Lacson na ang bagong batas ay magbibigay ng oportunidad sa liderato ng AFP na magpatupad ng makabukuhan at epektibong mga programa.


Diin ni Lacson, malaking tulong ang batas para masiguro na magiging “merit-based” ang promosyon sa AFP upang garantisadong kwalipikado at mahusay ang mga pinuno nito.

Dagdag pa ni Lacson, patitibayin din ng batas ang professionalism at pagtuloy ng mga polisiya at modernization initiatives sa ating Sandatahang Lakas.

Facebook Comments