“Fixed validity period” sa pagmamay-ari at pagbibitbit ng armas, lusot na sa komite ng Kamara

Inaprubahan na sa House Committee on Public Order and Safety ang substitute bill kaugnay sa “fixed” na panahon ng bisa ng pagkakaroon ng armas.

Walong panukalang batas ang iko-consolidate para sa pinal na pagpapatibay kung saan isinusulong ang “fixed period” para sa “license to own and possess” ng baril o armas.

Pinapayagan din sa panukalang batas ang pagdadala ng armas ng mga may banta sa buhay basta’t ito ay may pag-apruba mula sa Philippine National Police (PNP).


Ayon kay Public Order and Safety Chairman Narciso Bravo, itinutulak din ang pagbibigay ng pagkakataon sa mga gun owner na magkaroon ng License to Own and Possess Firearm kung saan ang irerehistrong armas ay may 5 hanggang 10 taong validity o bisa.

Isinusulong din ang pagkakaroon ng iisang card na lamang sa mga gun owner kung saan naroon ang lisyensya at firearm registration.

Facebook Comments