Fixer, arestado sa entrapment operation sa Pasig

35

Nahuli ng mga tauhan ng Pasig City Police Station ang isang 46-anyos na lalaking fixer sa ikinasang entrapment operation sa harap ng Land Transportation Office (LTO) Pasig District Office, Shaw Blvd. Brgy. Kapitolyo, Pasig City.

Kinilala ni Police Major Jose Luis Aguiree, Chief Station ng Intelligence Section ng Pasig City Police ang naarestong fixer na si Armando Rosales, residente ng Brgy. Santa Ana, Taytay, Rizal.


Nahuli ito matapos magreklamo ng Officer-in-Charge ng LTO Pasig na si Nida San Buenaventura.

Dahil dito, agad ikinasa ng mga pulis ang operasyon at naaresto ang suspek.

Sa ngayon, nahaharap na rin ito sa kasong paglabag sa R.A. 9485 o ang Anti-Red Tape Law.

Facebook Comments