Fixer na nag-aalok ng fake documents sa Philippine Statistics Authority, naaresto na ng ARTA at NBI

Isa na namang fixer na nag-aalok ng “legitimate” Certificate of No Marriage Record (CENOMAR) ang inaresto ng pinagsanib na puwersa ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) at National Bureau of Investigation (NBI) Special Task Force.

Dinakip ang hindi pinangalanang fixer kahapon sa labas ng Philippine Statistics Authority (PSA), main office sa Quezon City.

Inaresto ang fixer sa ikinasang entrapment operation habang tinatanggap nito ang kabayarang ₱3,500 sa isang fake document.


Kaugnay nito, muling pinayuhan ng ARTA ang publiko na huwag pumatol sa mga fixer sa anumang transaksyon.

Nasa kustodiya na ng NBI ang suspek at mahaharap ng mga kaso dahil sa paglabag sa Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.

Facebook Comments