Manila, Philippines – Nagbabala muli ang Department of Foreign Affairs (DFA) laban sa mga fixer at scammer sa passport appointment.
Kasunod ito ng insidente sa social media kung saan isang netizen ang nag-post ng “Passport Appointement, PM lang.”
Sinagot ito ng DFA at binantaan ang netizen na ire-report sa otoridad ang ginagawa nitong pag-aalok ng passport appointment na itinuturing na iligal ng ahensya.
Ang sinumang lalabag ay posibleng hindi payagang makapag-aplay ng pasaporte.
Matatandaang inulan dati ng batikos ang DFA dahil sa pahirapang Passport Online Application.
Pero giit ng ahensya, ginagawa na nila ang lahat ng paraan para mabigyan ng slots ang lahat gaya ng inilulunsad nilang “Passport on Wheels”.
Facebook Comments