FIXING ACTIVITY | 6 na LTO personnel na nag-viral, sinuspindi

Sinuspindi at hindi tiyak kung kailan pababalikin ang anim na LTO personnel sa Pasay City Licensing Center na nahuli sa video ng isang facebook user na gumagawa umano ng ayusan o fixing activity.

Ayon LTO Assistant Secretary Edgar Galvante, kabilang sa sinuspinde ay ang dalawang LTO personnel na nahagip sa video at isinama din ang apat na nasa LTO office nang naganap ang ayusan o fixing activity.

Pinadalhan na ng imbitasyon ang anim na LTO personnel at ipapatawag din nila ang nag-upload ng video na si Nhiors Kie upang mapalitaw ang katotohanan sa alegasyon.


Sa kuhang video, makikita ang isang lalaki na may iniaabot sa isang babae na nakasuot ng t-shirt ng LTO.

Ayon pa sa LTO Chief, sa sandaling mapatunayan na sangkot ang mga ito sa corrupt activities, papatawan sila ng parusang administratibo at posible pang maharap sa kasong kriminal.

Facebook Comments