FL Liza Marcos, dedma sa mga drama at intriga, ituton daw ang oras sa pagtuturo

Mas pipiliin umanong ituon ni First Lady Liza Araneta Marcos ang oras sa pagtuturo sa mga susunod na henerasyon ng abogado kung paano tunay na gumagana ang batas, sa halip na sumawsaw sa ingay ng politika.

Matatandaang idinawit ni dating Cong. Zaldy Co ang Unang Ginang sa umano’y pagpapatigil ng imbestigasyon sa mataas na presyo ng sibuyas noong 2022 at sa kontrobersyal na rice at onion importation.

Bagama’t hindi direktang sinagot ang akusasyon ay tila nagpatama ang First Lady sa kanyang post kung saan pinagmamalaki niya ang kaniyang mga law students sa Iloilo City na patuloy na sumisipot sa klase sa kabila ng lindol, bagyo at umano’y bomb threats.

Giit ng First Lady, gumagana ang batas kung saan katotohanan ang basehan at ebidensya ang lengguwahe sa anumang isyu at hindi sa theatrics o drama na nag-uugat sa politika.

Patunay aniya na mas may saysay ang paghubog ng bagong abogadong batay sa ebidensya kaysa sa higit sa pakikisawsaw sa mga paratang.

Facebook Comments