FL Liza Marcos, hands-on sa paghahanda para sa ASEAN Chairship 2026

Tuloy-tuloy ang pagtutok ni First Lady Liza Marcos sa mga paghahanda ng bansa para sa pagiging ASEAN Chair ng Pilipinas sa 2026.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ng Unang Ginang ang ilang pulong na kanyang pinangungunahan kaugnay ng mga preparasyon para sa mga aktibidad at pagpupulong ng ASEAN na gaganapin sa bansa.

Kabilang sa mga binisitang lugar ang Coconut Palace, na isa sa mga tinitingnang venue para sa ASEAN Summit at iba pang kaugnay na mga event.

Pinuntahan din ng First Lady ang Likhang Filipino Center at ang Pasig River Esplanade bilang bahagi ng pagtiyak na handa at maayos ang mga lugar na gagamitin sa pagho-host ng Pilipinas.

Ayon sa Unang Ginang, layon ng pagbisita sa Pasig River Esplanade na masuri kung paano pa mapalilinis at mapapaganda ang lugar bilang bahagi ng paghahanda ng bansa para sa ASEAN 2026.

Facebook Comments