
Inihayag ni Palace Press Officer Claire Castro na hindi sasama si First Lady Liza Araneta Marcos sa biyahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa susunod na linggo.
Walang binanggit na dahilan si Castro kung bakit hindi makakasama ang unang ginang sa biyahe ng pangulo.
Gayunpaman, sinabi ni Castro na aalamin niya ang detalye tungkol dito at sasagutin ang mga katanungan sa press briefing bukas.
Matatandaang mainit ngayon si FL Liza sa kontrobersiya na sangkot umano siya sa pagkamatay ng negosyanteng si Paolo Tantoco, na nasawi sa isang hotel sa Amerika, bagay na itinanggi naman ng Palasyo.
Nakatakdang makipagpulong si Pangulong Marcos kay US President Donald Trump sa Washington DC sa July 20 hanggang 22.
Ito ang kauna-unahang personal na pagkikita ng dalawang lider para pag-usapan ang maraming paksa.









