Flag carrier, gumagamit na ng high-grade industrial disinfectants sa kanilang mga eroplano

Sa harap ng patuloy na banta ng COVID-19, lalo pang pinaigting ng Philippine Airlines o PAL ang kanilang disinfection procedures sa kanilang mga eroplano.

Ito ay sa pamamagitan ng paggamit ng high-grade industrial disinfectants.

Maging ang bagahe ng mga pasahero ay isinasailalim na rin sa disinfection processes bago ipasok sa aircraft.


Sa loob naman ng cabin, gumagamit ang PAL ng HEPA filters purifier para matiyak na malinis ang hangin na nalalanghap ng mga pasahero.

Facebook Comments