Flag down rate sa taxi, gagawin ng permanente – LTFRB

Manila, Philippines – Nilinaw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na gagawin ng permanenteng P40 ang flag down rate ng taxi sa Metro Manila at ibang bahagi ng bansa.

Paliwanag ni LTFRB Spokesperson Atty. Ailene Lizada, ang dating P40 na flag down rate na inilabas nitong pebrero ay provisionary o pansamantala lamang.

Ayon kay Lizada, papatak na ang metro ng p13.50 kada kilometro at P2.00 kada minuto ng byahe hanggang makarating sa destinasyon.


Sa bagong formula, mananatili ang P40.00 flag down pero hindi na nito sakop ang unang 500 metro gayundin ang p3.50 sa susunod na kada 300 metro at waiting na 3.50 kada dalawang minuto.

Anya inadopt nila ang formula ng Grab at Uber pero wala nang surge sa taxi hindi tulad ng Transport Network Company.

Maipapatupad lamang ang bagong fare matrix kapag nakapa-calibrate na ang taxi at kailangan dumaan sa testing at sealing ng LTFRB.

Samantala, inihain ng LFTRB sa Land Transportation Office ang mas mabigat na parusa sa mga pasaway na driver.

Aminado ang ahensya, hindi magiging mabilis ang pagbabagong hinihingi ng mga pasahero sa hanay ng mga taxi.

Kasama sa pagsasaayos ng taxi ang maisailalim ang mga driver sa training at maturuan ng disiplina sa kalsada.

Bukod sa magkakaroon na ng sariling app, isinusulong na rin ng LTFRB na magkaroon ng dash cam at CCTV ang mga taxi.

Facebook Comments