FLAG, humingi ng tulong sa Korte Suprema para itigil ang kampanya ng gobyerno kontra sa ilegal na droga

Manila, Philippines – Humiling sa Korte Suprema ang Free Legal Assistance Group upang kwestyunin ang kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte kontra sa ilegal na droga.

Ayon kay FLAG National President Atty Manuel Diokno hindi matitigil sa pamamagitan lamang ng extra judicial killings ang mga lumalaganap na ilegal na droga at kurapsyon dahil ang pinaka ugat nito ang mahinang sistema ng hustisya sa bansa.

Paliwanag ni Diokno, bilang kasalukuyang Dean ng College of Law ng De La Salle University naniniwala siyang mahina ang justice system dahil sa mahina ang conviction ratio o katumbas lamang ng 30 percent; mga naantalang kaso at siksikan na sa korte kung saan ang mga kaso ay nareresolba ng 6 hanggang 10 taon, kulang ang korte ng mga hukom 20 percent kakulangan ng hukom sa korte at 34 percent naman sa mga Prosecutor positions; at ang Judiciary naman ay nakakuha lamang ng 2 percent sa National Budget.


Giit ni Diokno ang war on drugs ng gobyerno ay minamadali ang sistema ng hustisya sa pamamagitan ng paggamit ng bala sa halip na pamukpok na ginagamit ng mga huwes.

Facebook Comments