FLAG, kinumpirmang may mga hukom na sangkot sa illegal drugs

Manila, Philippines – Aminado si dating Supreme Court Spokesperson Theodore Te at ngayon ay miyembro ng Free Legal Assistance Group o FLAG na mayroong mga hukom na dati nang napabilang sa narco list.

Pero paglilinaw ni Te, ang mga pangalan ay kabilang sa inisyal na listahan na dati nang inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa nasabing listahan, may ilan aniyang wala na sa serbisyo at ang iba naman ay pumanaw na.


Pagtitiyak ni Te, inimbestigahan na ng Korte Suprema ang nasabing usapin.

Facebook Comments