Flag Raising Ceremony sa Cauayan City, Pinag-usapan sa City Council

Cauayan City,Isabela – Inihayag ni sanggniang panglungsod member Hon. Gary D. Galutera, sa ginanap na sesyon kahapon, Pebrero 19, ang ilang obserbasyon sa tuwing flag raising ceremony na ginagawa mismo sa harap ng city hall.

Aniya, mukhang nakakalimot na ang karamihan sa mga empleyado ng pamahalaang lungsod sa wastong paggalang sa watawat sa tuwing isasagawa ang naturang flag ceremony.

Dahil dito, nais ipaabot ni ginoong Galutera sa Human Resource (HR) ng pamahalaang lungsod ng Cauayan, na gumawa ng isang aksyon para sa lahat ng empleyado na gawin ang tama sa tuwing flag ceremony.


Sinang-ayunan naman ni Hon. Edgar M. De Luna, presiding officer ng sesyon, na nararapat umanong maglabas ng isang memorandum ang HR patungkol sa nasabing usapin.

Sinusugan naman ni Hon. Edgardo A. Atienza Jr. na kailangan ding idagdag sa ipapalabas na memorandum ng HR na kabisahin ng lahat ng empleyado ang Cauayan Hymn, Isabela Hymn at Panunumpa sa Watawat para maging isang whole package ito.


Facebook Comments