FLAG RAISING CEREMONY | Vice President Leni Robredo, pangungunahan ang Independence Day sa Luneta, Maynila

Manila, Philippines – Pangungunahan ni Vice President Leni Robredo ang flag raising ceremony sa Rizal Monument sa lungsod ng Maynila.

Ito ay bilang paggunita sa ika-120 taong kalayaan ng Pilipinas sa ilan daang taon pananakop ng mga Espanyol.

Kaugnay nito, ilang kalsada sa kalakhang Maynila ang isasara sa mga piling oras sa umaga partikular na sa bahagi ng Roxas Boulevard at Kalaw Avenue sa Maynila at Monumento Circle sa Caloocan.


May mga inaasahang kilos protesta naman mula sa iba’t-ibang grupo sa Liwasang Bonifacio.

Habang inaabangan din ang talumpati ni dating Chief Justice Ma. Lourdes Sereno sa UP Diliman.

Ayon kay NCRPO Chief Superintendent Guillermo Eleazar, nasa 1,500 pulis ang ipakakalat ng kanilang tanggapan para umasiste sa mga naturang rally.

Facebook Comments