Apatnapu’t isa ang patay makaraang magliyab ang sinasakyan nilang Russian superjet 100.
Galing Moscow at papunta sa Murmansk, Russia ang Aeroflot Flight SU1492.
Halos kalahating oras pa lang nang mag-take off ang eroplano pero bumalik ito at tinangkang mag-emergency landing habang nagliliyab ang bahagi ng makina nito.
Kabilang sa nasawi ang dalawang bata habang nakaligtas naman ang 37 iba pa.
Pinaiimbestigahan na ni Russian President Vladimir Putin ang insidente.
Facebook Comments