Flagship projects ng Duterte administration, pipirmahan na ng National Economic Development Authority

Manila, Philippines – Pipirmahan na ng National Economic Development Authority (NEDA) ang approval papers ng siyam na flagship projects ng Administrasyong Duterte.

Kabilang na rito ang sumusunod na transport projects:

– Clark International Airport New Terminal Building Project
– Mega Manila Subway Project Phase 1
– Malolos-Clark Airport
– Clark Green City Rail
– PNR South Commuter Line (Tutuban hanggang Los Baños, Laguna)
– PNR long haul (Calamba, Laguna hanggang Bicol)


Kasama rin sa mga proyektong aaprubhan ay pagpapatayo ng ilang proyektong dam, irrigation at flood-control.

Ayon kay Socio-Economic Planning Secretary Ernesto Pernia – nagkakahalaga ng 738 billion pesos ang mga proyekto.

Bagamat ang pirma ng NEDA ang huling requirement bago ang implementasyon ng proyekto ay sa susunod na taon pa uumpisahan ang mga ito.

Sa ngayon, dadaan pa sa anim na buwan hanggang isang taong bidding ang mga nasabing proyekto.

*

Facebook Comments