FLASH FLOOD | DFA, kinumpirmang walang Pinoy na nasawi sa nangyaring pagbaha sa Kenya

Kenya – Nagpaabot na ng pakikiramay ang gobyerno ng Pilipinas sa Kenya matapos ang halos dalawang buwang malakas na pag-ulan at pagbaha sa nasabing bansa na nagdulot ng pagkamatay ng 100 katao.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano, nakikiisa ang Pilipinas sa dalangin na makabangon kaagad ang Kenya.

Kasunod nito sinabi ng kalihim na walang Filipino ang napaulat na nadamay sa kalamidad.


Sa ulat ni Nairobi Ambassador Uriel Norman Garibay, tiniyak nito na nasa ligtas nang kalagayan ang ating mga kababayan.

Gayunpaman, patuloy pa rin ang pagmo-monitor ng ating embahada sa Filipino community at nangako na magkakaloob ng tulong kung kinakailangan.

Nabatid na mayroong 346 na mga Pinoy sa Kenya; ang ilan sa mga ito ay permanent migrants habang ang iba naman ay temporary migrants na nagtatrabaho sa United Nations (UN) at ang iba pa ay mga professionals, skilled workers at missionaries.

Facebook Comments