FLASH | Sugatan ang isang taong grasa makaraang mabaril ng security guard ng MRT

Sa inisyal na impormasyon nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang dalawa makaraang bugawin at sawayin ng gwardya ang pulubi dahil naglalakad ito sa rail tracks sa pagitan ng Ayala at Magallanes station kaninang 8:43 ng umaga.

Kinilala ang security guard na si Federico Bustamante ng Ayala MRT, 30-anyos, male, married at nakatira sa #2 Bayes Street, RP Gulod, Novaliches, Quezon City.

Narekober sa suspek ang:


1-unit 9 mm ARMSCOR Cal. Pistol w/ serial no. 1392123
1-Magazine
3-Live ammunitions

Nasa stable ng kundisyon ang taong grasa makaraang matamaan sa kanyang kanang sakong.

Sa ngayon hawak na ng mga otoridad ang nasabing gwardya at inihahanda na rin ang kasong isasampa laban dito.

Facebook Comments