Idinaan sa sayaw ng mga kababaihan ang kanilang pagtutol sa Anti-terrorism Bill ngayong ika-122 Kalayaan ng bansa.
Pinangunahan ng Gabriela Women’s party ang flash zumba dance sa Marikina na pagpapakita ng kanilang paglaban sa Terror Bill.
Ayon kay Gabriela Representative Arlene Brosas, maituturing na “single biggest threat” sa kalayaan ng mga Pilipino ang panukala.
Sinabi pa ng Lady solon, na ito ay paraan nila ng pagpapahayag at pakikiisa para depensahan at panatilihin ang ipinaglaban noon na kalayaan na pilit umanong inaalis ng gobyerno sa pamamagitan ng pagsasabatas ng ‘State Terror Bill’.
Nababahala rin ang kongresista dahil posible ang pagsasagawa ng mas maraming counter-terrorism military exercises matapos bawiin ang termination ng Visiting Forces Agreement (VFA) na magreresulta sa pagbalewala sa ating soberenya at mas agresibong pagtugis sa mga kritiko ng gobyerno.