Umakyat na sa dalawamput-siyam na katao na ang nasawi sa pambihirang flashflood na nanalasa sa Italya.
Tumaas ang bilang matapos makumpirma na 12 ang nalunod sa Sicily matapos tangayin sila ng tubig na umapaw mula sa isang ilog.
Ayon kay Matteo Salvini, Italian Interior Minister, kasalukuyang naghahapunan ang mga biktima nang maganap ang trahedya.
Nakuha na ang mga labi ng mga biktima kasama na ang katawan ng dalawang bata na may mga edad tatlo at isang taon.
Isang doktor pa ang nawawala hanggang ngayon. Patungo raw ito sa ospital noong Sabado pero hanggang ngayon ay wala pang balita kung ano nangyari sa kaniya.
Isang linggong hinagupit ng malakas na hangin at ulan ang Italya na naging dahilan ng malawakang pagbaha.
Bukod sa mga nasawi, umabot na sa 1.14 billion dollars na ang halaga ng pinsalang dala ng pagbaha sa ibat-ibang panig ng bansa.