Flattening of the curve ng COVID-19 cases, nakikita na ng mga eksperto

Nakikitaan na ng mga eksperto mula sa University of the Philippine (UP) na nagkakaroon na ng flattening of the curve sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) cases matapos ang higit limang buwang pagsasailalim sa community quarantine ng bansa.

Ayon kay Professor Guido David ng UP-OCTA research team, bumababa na rin ang reproduction number o ang average na bilang ng taong maaaring hawaan ng isang may COVID-19.

Aniya, kapag ang reproduction rate ng isang sakit ay katumbas o mas mababa sa 1%, ito ay stable at buhay pa pero hindi na makapagdudulot ng pandemya.


Pero kung ito naman ay mahigit sa 1%, ito ay nakakahawa pa.

Maliban dito, bumaba na rin ang average number ng daily new COVID cases at bahagya ring bumaba ang positivity rate o ilang ang mga taong nagpopositibo sa virus.

Giit ni David, isa sa dahilan ay ang dalawang linggong pagsasailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila at karatig lalawigan gayundin ang mga recalibrated na response ng gobyerno sa pandemya.

Gayunman, possible pa ring pumalo sa 330,000 hanggang 375,000 ang bilang ng mga magpopositibo sa COVID-19 sa katapusan ng Setyembre.

Facebook Comments