FLEXIBLE | 57 anyos na tinaguriang Mr. Elastic sa Michigan, kilalanin

Michigan – Isang 57-anyos na lalaki mula Michigan, United States ang kilala ngayon bilang si “Mr. Elastic”.

Believe it or not, kaya niyang iikot ang kanyang mga paa 180 degrees backward!

Ang nakakahanga pa rito, kaya rin ni Moses lanham na maglakad pasulong kahit nakatalikod ang kanyang mga paa!


Na-develop raw ni Moses ang abilidad niyang ito noong 14 years old siya matapos siyang mahulog mula sa 18 feet rope sa kanilang gym class.

Maging siya raw ay nagulat nang maibalik niya sa dati ang na-dislocate niyang tuhod nang hindi nasasaktan.

Nang tingnan ng mga eksperto, napag-alaman nila na may double cartilage at extra tissue si moses sa kanyang tuhod, hita at sakong kaya niya ito nagagawa nang walang kahirap-hirap.

Dahil sa kakaibang kakayahan, dalawang world records na ang kanyang nabasag at pinakabago rito ang titulong “world’s fastest man to walk with his feet backwards over 20 meters”.

Nauna na niyang nasungkit ang titulong world’s most flexible feet.

Facebook Comments