Thursday, April 9, 2026

Flexible learning delivery, pinayagan ng DepEd sa private schools sa gitna ng energy crisis

Pinayagan ng Department of Education (DepEd) ang mga private school na magpatupad ng mas flexible na learning delivery at teacher training sa gitna ng tumataas na gastusin sa kuryente dulot ng national energy emergency.

Sa inilabas na memorandum, nilinaw ng DepEd na maaaring ipagpatuloy ng mga paaralan ang limang araw na face-to-face classes o magpatupad ng blended learning upang makatulong sa pagbawas ng operational expenses.

Sa ilalim ng blended learning guidelines, pinapayuhan ang mga paaralan na limitahan sa isang araw kada linggo ang remote classes para sa Kinder hanggang Grade 6.

Ang blended learning ay kombinasyon ng face-to-face instruction at remote learning na maaaring isagawa nang synchronous o asynchronous, gamit ang digital o non-digital na teknolohiya.

Inatasan din ang mga regional at division offices na bantayan ang maayos na pagpapatupad ng mga adjusted learning modalities sa private schools.

Facebook Comments