Flexible learning, mananatili – ayon sa CHED

In-adopt ng Commission on Higher Education (CHED) ang polisiyang magpapatupad ng Flexible Learning sa college level sa mga susunod pang school years.

Ayon kay CHED Chairperson J. Prospero De Vera III, hindi na babalik pa sa dating trandisyunal at punuang face-to-face classroom setup.

Aniya, ang flexible learning ang new normal sa higher education level.


Paliwanag pa ni De Vera, kapag bumalik sa face-to-face ang setup ay posible muling ma-expose ang mga stakeholders sa banta kapag may panibagong pandemyang umusbong.

Masasayang (Waste) lamang ang lahat ng ibinuhos na puhunan sa teknolohiya, teacher training at pagsasa-ayos ng mga pasilidad.

Sa ilalim ng flexible system, ang mga unibersidad ay magkakaroon ng “mix-and-match” sa kanilang paraan ng pagtuturo na akma sa sitwasyon.

Ang CHED ay patuloy na mamumuhunan at magsusulong sa paggamit ng online platforms.

Facebook Comments