Inirekomenda ng Metro Manila mayors ang “flexible” Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa NCR Plus areas para makontrol ang pagkalat ng COVID-19 habang binubuksan ang ilang industriya.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos, sa ilalim ng flexible MECQ ay mananatili ang border control, pagpapatupad ng istriktong health protocols at papayagan nang magbukas ang industriya ng konstruksyon at personal hygiene services.
Paiiksiin din aniya ang curfew hours sa NCR Plus areas pero wala pang pinal na oras.
Inaasahang mamayang gabi ay iaanunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong quarantine status para sa buwan ng Mayo.
Facebook Comments