Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na ang pagpapasa ng school requirements ng mga estudyanteng naapektuhan ng mga nagdaang bagyo ay magiging flexible.
Ayon kay Education Undersecretary for Curriculum and Instruction Diosdado San Antonio, magpapatupad ng flexible measures pagdating sa academic requirements para sa mga estudyante.
Ang mga eskwelahan sa mga lugar na nagdeklara ng class suspensions noong kasagsagan ng bagyo at pagbaha ay maaaring gumamit ng In-Service Training na nakatakdang gawin sa susunod na linggo para sa make up classes.
Magkakaroon din ng localized adjustments sa school calendar na pagdedesisyunan ng mga concerned DepEd units.
Facebook Comments