Flexible payment scheme, iniutos ng ERC sa mga distribution utilities sa mga naapektuhan ng sunod-sunod na bagyo at sama ng panahon

Inatasan na ng Energy Regulatory Commission o ERC ang mga distribution utilities (DUs) na magpatupad ng flexible payment schemes sa mga consumers na apektado ng mga nagdaang bagyo at sama ng panahon.

Base sa inilabas na advisory ng ERC, malaking tulong ang naturang sistema para matulungan ang mga apektadong konsumer.

Ang mga kumokonsumo ng hindi tataas sa 100 kilowatt-hour sa kada buwan ay puwedeng ipagpaliban ang kanilang bayad at pautay-utay itong babayaran sa loob ng tatlong buwan mula nang matanggap ang bill.

Pero hinikayat pa rin ng ERC ang mga consumers na may kakayahang magbayad na bayaran ang kanilang electric bill sa tamang oras.

Kasama rin sa direktiba ang pagsuspindi sa pagpuputol ng kuryente para sa mga residential at non-residential consumers mula Hulyo 19 hanggang Agosto 31, 2025.

Facebook Comments