Pinuri ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. ang kautusan ng Civil Service Commission o CSC na nagpapahintulot sa pagpapatupad ng flexible work arrangements sa gobyerno.
Halimbawa nito ang work-from-home scheme, compressed work week, skeleton workforce, work shifts, flexitime o kombinasyon ng alinman sa mga ito.
Diin ni Revilla, ang nabanggit na hakbang ng CSC ay nasa tamang direksyon at tumitiyak sa kapakanan at proteksyon ng ating public servants sa gitna ng tinatawag na new normal.
Kaugnay nito ay pinapatiyak ni Revilla na ang flexible work arrangements ay epektibo at hindi makakadiskaril sa mabilisang pagkakaloob ng serbisyo sa taumbayan.
Tiwala si Revilla na sa pasya ng CSC ay ating mapapatunayan na sa pamamagitan ng teknolohiya ay mas mapapahusay pa ng mga ahensya at orgaisasyon sa pamahalaan ang pagtugon sa pangangailanan at pagbibigay ng serbisyo sa publiko.