Hinikayat ng Civil Service Commission (CSC) ang mga Muslim government workers na sundin ang flexible working hours ngayong panahon ng Ramadan.
Alinsunod na rin ito sa CSC Memorandum Circular No. 06, s. 2022.
Layon nitong tiyaking magtutuloy-tuloy ang serbisyo sa mga government agencies.
Ayon sa CSC, maaaring baguhin ang pasok ng mga Muslim worker ngayong Ramadan mula 7:30 A.M. hanggang 3:30 P.M. nang walang noon break.
Tuwing Biyernes, maaari ring hayaang hindi pumasok sa trabaho ang mga ito mula 10:00 A.M. hanggang 2:00 P.M. para bigyang-daan ang kanilang pagdadasal.
Upang matiyak na makumpleto pa rin ang 40 hours work week requirement, dapat na magsimula ang flexible working hours nang hindi mas maaga sa 7:00 A.M. at magtatapos ng hindi lalagpas sa 7:00 P.M.