Nagpapatupad na ngayon ng flexible work arrangements ang Department of Finance (DOF).
Ito ay para makatulong sa pagbabawas ng traffic congestion at para makatipid ng konsumo sa kuryente at tubig.
Sa Department Order 044, nakasaad na magkakaroon ng pinaghalong flexible work arrangements, skeleton workforce, at work-from-home setups para matiyak na tuloy pa rin ang operasyon ng kagawaran.
Sa ilalim ng flexitime setup, pwedeng mamili ng oras ang mga kawani ng gobyerno sa 7AM hanggang 9PM basta’t makukumpleto ang 8-hour na pasok.
Pwede rin magpatupad ng work-from-home setup ang mga empleyado isang beses kada linggo.
Kailangan din silang maging reachable o matatawagan at sasagot agad tuwing working hours at idedeklarang absent kapag hindi na-contact.