Flight at cabin crew ng mga airline company, hindi na obligadong sumailalim sa mandatory facility based quarantine ayon sa CAAP

Inihayag ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na naglabas na sila ng updated COVID-19 Health and Safety Protocols para sa mga airline personnel.

Ayon sa CAAP, ang naturang hakbang ay bunsod na rin ng inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa mga paliparan ngayong panahon ng kapaskuhan.

Batay sa inilabas na Memorandum Circular ng CAAP, hindi na obligado ang mga flight at cabin crew ng mga airline company na sumailalim sa mandatory facility based quarantine.


Paliwanag ng CAAP, kailangan na ring mag-report sa air operators ang mga flight at cabin crew na nakararanas ng COVID-19 gaya ng sintomas.

Dagdag pa ng CAAP na babalikatin na rin ng airline companies ang medical assistance sa kanilang mga flight at cabin crew na magpopositibo sa COVID-19 virus.

Facebook Comments